Ni REGGEE BONOAN

TAWA kami nang tawa sa kuwento ng aming source tungkol binagong image ni Gerald Anderson sa shooting ng My Perfect You kasama si Pia Wurtzbach.

Gerald at Pia copy

“Di ba, kakaiba si Ge? Usually kasi mga babae ang pinagwi-wig ni Direk Cathy (Garcia-Molina) ngayon ang lalaki na!  At take note, may bago rin sa wig, nabasa na ng tubig at lumangoy na,” natatawang tsika ng kausap namin ni Bossing DMB.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Oo nga, ‘no, kakaibang Gerald ang mapapanood sa My Perfect You dahil nagmukha siyang ermitanyo. Sabi nga namin para siyang si Tom Hanks sa Cast Away na tumira sa uninhabited island.

“’Yung resort na pinagsiyutingan totoong resort ‘yun sa Zambales, kaya lang nu’ng nasira ng lahar yata, parang hindi na na-develop. Walang kuryente totally sa lugar kaya nagdala ng sariling generator,” kuwento ng source.

Hindi naman ito itinanggi ni Direk Cathy nang saglit na sumilip sa media launch ng My Perfect You para bumati sa lahat bukod pa sa personal niyang iniabot ang birthday cake ni Gerald na nagdiwang ng kaarawan nitong Marso 7.

Ngayon pa lang nagkatrabaho sina Direk Cathy at Gerald na inakala ng lahat na nagkasama na sa isa sa mga rom-com ng aktor kasama sina Kim Chiu, Sarah Geronimo, Arci Munoz at Bea Alonzo.

Kaya hiningan ng komento si Direk Cathy tungkol sa first time nilang pagtatrabaho together ni Gerald.

“Ano gusto mong sagot,” bulong kay Gerald pero dinig ng press,” ha-ha-ha! Actually hindi talaga ako pupunta kasi kailangan ako sa editing ngayon but I wanna to go here because I only have good things to say about the two (Gerald at Pia).

“Ako naman po, I’ve been always honest to everyone na sa sobrang honest ay minsan nakaka-offend na ako, then I talked to both of them and they know from the very start na I told Ge na, ’Ge, alam mong hindi naman ako naguguwapuhan sa ‘yo, ‘Opo, sinabi ni Direk Mae (Cruz).’

“‘Tapos si Pia alam din niya na unang kita ko pa lang sa kanya, ‘Ay, ang taba mo! Hindi masyadong maganda si Pia ‘no?’ (Napangiwi ang ex-beauty queen.) Honest lang naman ako. Sabi ko, ‘Wala akong alam kung ano’ng acting capabilities ninyo, kasi si Pia, Pia Romero ko pa siya noon kilala, bata pa ako at maliit (maiksi) na panahon ko pa lang siya nakikita noon sa TV.

“Si Gerald naman, I watched his films and my favorite was the one with Arci (Always Be My Maybe). Sabi ko sa kanya, ‘Uy ha, nagustuhan kita ro’n. Kasi hindi ko siya gustong umarte, ha-ha-ha! Really, totoo ‘yan!  Doon ang starting namin and I think that’s good if I don’t like my actors because it turns out always at the end of the movie that I get to like them and in fact, I love them.

“Ge, sobra po, tinapak-tapakan ko ang ego ng taong ito. Wala nang preno ang bibig ko and all for one intention. I want to bring out who Gerald really is or maybe Gerald can give, kasi nga precisely sabi nga, rom-com actor so ano pa ang ipapakita namin? Hindi siya katulad ni Pia na empty canvass pa.

“Kaya sabi ko kay Ge, gusto kong makita pa kung hanggang saan ang range mo and siyempre lalaki, ang hirap ng ego and it’s getting in the way. But I admire him for allowing na tapakan nga siya at rendahan.

“Di ba sabi ko hindi siya guwapo para sa akin, finally may isang sequence sabi ko, ‘Uy, ang pogi ka na ro’n.’ Partida, ito pa ‘yung gulu-gulong buhok ‘tapos may part siya sa movie na maiksi ang buhok and I’m so scared I might not see Bern (karakter) anymore, I might see Gerald and I don’t want to see Gerald talaga, so finally kinunan namin, sabi ko, ‘Ikaw ‘pag nakita ko si Gerald Anderson lagot ka sa akin.’

“So grabe ang effort niya, kasi ang itsura niya, very Gerald na, pero wala akong nakitang Gerald. May kinunan nga kami malapit na sa ending, take one. So habang nanonood ako, ops, nakita ko si John Lloyd (Cruz). It’s a performance, a sincere performance that I only get from a John Lloyd Cruz, in fairness naman, hindi ko alam kung good thing o bad thing sa ‘yo ‘yun, anak,” sabay baling kay Gerald. “To me, it means I saw a sincere performace and to me, ‘yun na ‘yun!

“Sinabi ko sa kanya, ‘Ikaw kapag bumalik pa sa acting mong ewan, lagot ka sa akin.’ ‘Tapos sabi niya sa akin, ‘Hindi Direk, hindi Direk marami na po akong natutunan.’

“Kaya nga ako pawig-wig, di ba? Kasi naaano ako kapag nakikita ko ‘yung artista in the same character and I don’t want to hear na, ‘Ay, si Gerald ulit’.

“Same with Pia o si Ms. Universe. Kaya ‘yung karakter ni Pia, ganu’n din naman, kaya tinanggal ko lahat ang pagka-Miss Universe. I don’t want to see Miss Universe on my set and in fairness naman to the entourage of Pia, walang mararamdamang, ‘Hoy, si Miss Universe ‘to ha?’

“In fact, ako ‘yung nagagalit, alagaan ninyo kaya ‘tong Miss Universe n’yo kasi sugat-sugat na siya sa mga eksena na hindi nagrereklamo.

“Sabi ko, okay ka lang? ‘Okay Direk!’ ‘Tapos paglapit ko, mayroon na siya... dumudugo, sinungaling din siya, takot masyado,” kuwento ni Direk Cathy.

Expected daw ni Direk Cathy na kayang umarte ni Pia.

“Hindi lang kaya, magaling siyang umarte!  There is one scene na na itong eksenang ‘to, hinihingi ko lang ito sa magagaling na artista, may arya-arya ro’n. Sabi ko, delikado ‘to kasi magaling na artista lang ang kayang gumawa nito, prior to that may nakunan kamin maliit, sabi ko sa producer at writer ko, ‘Kakayanin niya,’ and true enough, diniliver with flying colors kaya yehey.

“‘Tapos sabi naman nito (Gerald), bakit daw si Pia pinapalakpakan, siya hindi raw!”

“Oo, wala man lang ako palakpakan?” hirit ng aktor.

Pero hindi pa tapos ang magagandang sinabi ng direktora.

“To top all that, mabuti silang tao, alam ‘yan nina Janus (del Prado) at Rice. Just want to tell you, how happy I am. They exceeded my expectations and I am looking more movies not necessarily with me kasi konting pelikula na lang gagawin ko, but Pia and Gerald on their own, maraming kakabugin.”

Mapapanood na ang My Perfect You sa Marso 14, Miyerkules handog ng Star Cinema.