Ni Fer Taboy

Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa labas ng bahay nito sa Barangay Malhacan, Meycauayan City, Bulacan kahapon.

Sa imbestigasyon ng Meycauayan Municipal Police, kinilala ang biktimang si Luisito Palaganas, 55, nakatira sa Bgy. Malhacan, Meycauayan.

Napag-alaman na nakikipag-usap ang biktima sa suspek at nagkainitan hanggang sa pinagbabaril ng huli ang una.

Probinsya

Dalagitang nangisay sa kaka-cellphone, patay matapos mahulog sa ilog

Ayon sa pulisya, posibleng may kinalaman sa droga ang pagpatay.