Ni Entertainment Tonigt

DALAWANG buwan na lang bago magpalitan ng “I do” sina Meghan Markle at Prince Harry.

Meghan copy

Bago ganapin ang royal wedding sa Mayo 19, inihayag ng isang source sa ET na binigyan ng mga kaibigan ng bridal shower si Meghan nitong nakaraang linggo sa Soho Farmhouse sa London, England.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Dumalo ang matatalik na kaibigan ni Meghan na sina Misha Nonoo, Violet von Westenholz at Millie Mackintosh ngunit wala ang kanyang future sister-in-law na si Kate Middleton. Hindi rin nakarating ang dating stylist ng Suits star, si Jessica Mulroney (na tumulong sa kanya para pumili ng wedding dress designer niya), ngunit hindi naman ito naging hadlang upang magsaya ang magkakaibigan.

Ayon sa website, ang club ay may lawak na 100 acres sa Oxfordshire countryside, may mga cabin, cottage, heated pool sa loob at labas, isang barn cinema, tennis court, at isang spa at sauna.

Inihayag din ng source sa ET na bilang pagpupugay sa kasal nina Meghan at Harry, kinumpirma ng Home Office na ang mga pub o bar sa England ay mag-e-extend ng kanilang oras hanggang 1:00 ng madaling araw sa Biyernes, Mayo 18, at Sabado, Mayo 19, ang linggo ng kanilang kasal. Ibinigay ang kaparehong extension nang ikasal ang Duke at Duchess of Cambridge noong 2011.

Gaya ng kasal nina William at Kate, sinabi ng source na inaasahan ang mga party sa lahat ng kalsada sa U.K, at makikipagdiwang ang mga residente sa mga pub at sa lokal na selebrasyon. Ang oras sa pub ay pinapayagang ma-extend para sa “celebration periods” na mahalaga para sa bansa.