Ni Marivic Awitan

HATAW si Shaya Adorador sa naiskor na pitong puntos sa deciding fifth set para makumpleto ang pagsilat ng University of the East sa liyamadong Adamson, 25-22, 22-25, 14-25, 25-20, 15-13, nitong Linggo sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan.

volleyball copy

Kumabig si Mary Ann Mendrez ng 12 puntos para sa UE, habang kumana si Adorador ng 11 puntos at 13 digs.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bunsod ng panalo, natuldukan ng Lady Warriors ang six-game losing skid ngayong season at 13-match kasama ang nakalipas na season.

“Well kasi noong management asked me to take over, I said that a miracle doesn’t happen overnight. Sabi ko I’ll try my very best, unti-unti lang. Sabi ko sa kanila, hindi natin pipilitin na maging Final Four kaagad,” pahayag ni nterim coach Rod Roque.

Kaagad na umabante ang Lady Warriors sa 7-3 at tuluyang nadomina ang Lady Falcons sa 11-5 tungo sa pahirapang laro na umabot ng mahigit dalawang oras.

Bumagsak ang Adamson, galing sa matikas na panalo sa three-peat seeking La Salle, sa 3-4.

Nakabawi naman ang National University nang pabagsakin ang University of the Philippines, 25-23, 25-23, 25-17.

Nanguna si Jaja Santiago sa naiskor na 17 puntos, habang kumana si Risa Sato ng 10 puntos para sa NU sa larong tumagal nang isang oras at 19 na.

“To begin with, after we lost, move on right away ang aming attitude. And the way we approached this game sa UP, before we even started our training, it has to be a statement game,” pahayag ni NU coach Babes Castillo para sa ikaanim na panalo sa pitong laro ng Lady Bulldogs.

Kumana sina Diana Carlos at Isa Molde ng 15 t 11 puntos para sa UP na bumagsak sa 2-5.