OAKLAND, Calif. (AP) — Tapos na pahinga ng Golden State. Balik na ang wisyo ng Warriors.

Hataw si Stephen Curry sa naiskor na 44 puntos para sandigan ang Warriors sa 134-127 panalo kontra Los Angeles Clippers nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Nag-ambag si Kevin Durant ng 21 puntos at walong assists, habang kumana si Klay Thompson ng 19 puntis at tumipa si Draymond Green ng 13 puntos, pitong rebounds, anim na assists at dalawang steals.

WIZARDS 110, CAVS 103

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa Cleveland, naisalba ng Washington Wizards ang matikas na pagbangon ng Cavaliers sa krusyal na sandali.

Umusad ang Washington sa 34-24 karta, habang ang Cavs ay may 34-23 sa labanan sa Eastern Conference playoff.

Sa iba pang laro, naisalpak ni Russell Westbrook ang three-pointer sa buzzer para sa 110-107 panalo ng Oklahoma City Thunder kontra Sacramento Kings; ginapi ng Philadelphia ang Chicago Bulls, 116-115; pinataob ng New York Knicks ang Orlando Magic, 120-113; pinutakte ng Charlotte Hornets ang Brooklyn Nets, 111-96.