chess (2) copy

PINAGHARIAN nina Melai Teves at Michael Federagao ang kani-kanilang dibisyon sa katatapos na 1st Mary Cris Complex Inter-School Chess Tournament na tinampukang Kapitan Jessie Fauini Chess Tournament na may temang “Quest for Champions” nitong Pebrero 17 sa Marycris Complex Pasong Camachile 2 sa General Trias, Cavite.

Nakopo ni Teves ang titulo sa Elementary division sa event na nagsilbing punong abala si Barangay chairman Jessie Fauini na matagumpay na inorganisa ni William Billy Manas, Presidente ng Marycris Complex Chess Club.

Nasa ika-2 puwesto si Rhean Palanca habang nasa ika-3 puwesto naman si Angela Lagui.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Naiuwi naman ni Federagao ang korona ng High School division na sinundan naman nina runner-up place Carl Capote at 3rd placer Renvien Cruz.

Nagsagawa naman ng rare simultaneous chess exhibition sina whiz kid eight-year-old Al Basher “Basty” Jumangit-Buto at Rohanisah Jumangit-Buto nitong Pebrero 10 na bahagi sa sports development program nina Barangay chairman Jessie Fauini at Marycris Complex Chess Club president William Billy Manas.