Ni Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Dinakma ng pulisya ang tatlong umano’y tulak sa buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, nitong Lunes.

Unang nasakote si Herminia Ventura y Enigo, 40, may asawa, residente ng Barangay DS Garcia, Cabanatuan, at nasa drug watch list ng pulisya.

Dakong 7:15 ng gabi umano nang inilatag ng mga tauhan ng intelligence unit ng CCPS ang operasyon, sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3, sa Cabanatuan City Transport Terminal sa nasabing barangay at nadakma ang suspek.

Probinsya

'Layas!' Mayor Kerwin Espinosa, pinapaalis mga adik sa Albuera

Nakumpiska umano sa kanya ang dalawang sachet ng shabu.

Arestrado rin si Kimberlee Jean Ventura y dela Cruz, 25, residente ng Bgy. Bacal III, Talavera, na sinasabing nakuhanan ng dalawang sachet ng shabu at P500 marked money.

Pangatlong dinampot si Reymart De Ala y Soliman, 25, tricycle driver, ng Bgy. San Vicente, Cabiao, Nueva Ecija, na nakumpiskahan umano ng dalawang sachet ng shabu at marked money.