Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

4 n.h. -- NU vs UST (Jrs Semis)

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

TATANGKAIN ng National University na makopo ang nalalabing finals berth habang sisikapin ng University of Santo Tomas na makapuwersa ng do-or-die game sa kanilang pagtutuos ngayong hapon sa ikalawang stepladder match para sa UAAP Season 80 juniors basketball tournament sa Filoil Flying V Centre.

Dalawang do or die game na ang nalusutan ng Tiger Cubs at sasabak sila ngayon sa ikatlo ganap na ika-4 ng hapon kontra twice-to-beat Bullpups.

Sisikapin ng NU na hindi masayang ang taglay nilang bentahe bilang second seed sa pagtatangkang kumpletuhin ang pagwawalis sa Tiger Cubs kasunod ng itinala nilang 89-85 na panalo noong first round at 109-75 sa second round ng eliminations.

Kung mananalo, makakatapat nila ang outright finalist Ateneo sa kampeonato. Kung makakasilat ang Tiger Cubs , idaraos ang rubbermatch sa Biyernes ganap na 4:00 ng hapon sa parehas ding venue.