Nash at Kidd, sa Naismith Hall-of-Fame

LOS ANGELES (AP) — Kabilang sina two-time NBA MVP Steve Nash at kapwa point guard na si Jason Kidd, Grant Hill at Ray Allen sa 13 finalists para sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame.

Nakasama rin sina Maurice Cheeks at Chris Webber sa bagong grupo ng finalists na ipinahayag nitong Sabado (Linggo sa Manila) bilang bahagi ng NBA All-Star weekend.

Nasa listahan din sina Charles “Lefty” Driesell, Rudy Tomjanovich at Baylor’s Kim Mulkey sa final ballot ng mga coaches. Kabilang din sina Katie Smith, Tina Thompson at longtime NBA official Hugh Evans sa finalists.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang 1953-58 Wayland Baptist University teams na nagwagi ng 131 sunod na panalo at apat na AAU national championships ang tanging kopona na kasama sa finalist.

Para mapabilang sa finalists, kailangang makatanggap ng 18 boto mula sa 24-member honors committee.

Ang buong class ay ipakikilala sa NCAA Final Four sa San Antonio.