Ni NITZ MIRALLES

Mark Bautista
Mark Bautista
DISABLED pa rin ang comment box ng Instagram (IG) ni Mark Bautista kaya wala pa ring makapag-comment. Gustung-gusto pa namang mag-comment ng bashers ng aktor dahil active sa pagpo-post si Mark.

  

Ang latest post nga niya, tungkol sa kanyang career, moving on at kung paano harapin ang problema. Hindi lang kami sure kung original niya ito o ini-repost lang.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

  

Ang tapang ni Mark sa unang post niyang, “I can find a job outside a TV network and I can still call it a career.” Sinundan niya ito ng, “I Always Remind Myself That Hype Is Temporary And Fame is FLEETING...”

 

Ang sumunod na posts ay nasa, “Here’s Some Childhood Reminder” label at ang una ay tungkol sa life in general. “Row, Row, Row Your Boat Gently Down The Stream Merrily, Merrily, Merrily, Merrily Life Is But A Dream.”

  

Sinundan niya ito ng, “Pag namatay Tayo Marealize Nalang Natin Paggising Na Ito Pala Lahat Ang Totoong Panaginip Lang... Isang Malaking Panaginip” at “Fullest.Enjoy. Wag Dibdibin Mga PROBLEMA Keep Moving But Enjoy Every Moment Dahil Lilipas Din To Lahat... Row Your Boat Slowly And Happily Because Life Is Just A BIG DREAM.”

  

Hinayang na hinayang tiyak ang gustong mag-react at gustong i-bash si Mark lalo na sa first post niyang, “I can find a job outside a TV network...,” pero dahil disabled ang comment box, walang makakontra sa kanya. Nganga ang bashers!

  

Samantala, parang hindi pa lumabas ang libro ni Mark na Beyond The Mark dahil wala pa kaming nababasa at naririnig na feedback. Kung lumabas na ang libro, siguradong trending dahil halos lahat gustong mag-comment, ‘kaso wala pa kaming maramdamang reaction at feedback.