LOVI SA CHILD HOPE ASIA copy

MAAGANG sinalubong ni Lovi Poe ang kanyang kaarawan. Isang espesyal na pre-birthday celebration ang kanyang inihanda para sa mga bata sa Child Hope Asia Philippines.

Bukod sa masarap na salu-salo, nagkaroon din ng masasayang games para sa lahat. Namigay din si Lovi ng mga regalo para sa lahat ng dumalo.

Naging tradisyon na ni Lovi ang pagbabahagi ng special moments niya sa buhay ang Child Hope Asia Philippines na mahigit limang taon na niyang tinutulungan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“My heart is bursting with happiness that I got to spend this day with the kids of Child Hope Asia Philippines. You are my inspiration and I really look forward to spend time with you every year. Thank you for making my birthday extra special and memorable,” pahayag ng dalaga.

Sa kabila ng kanyang busy schedule sa ng primetime soap na The One That Got Away, pinagkakaabahalan din ni Lovi ang pagpo-promote ng kanyang bagong pelikulang The Significant Other.