Ni NORA CALDERON

MUKHANG magkasundo sina Claudine Barretto at Ryza Cenon. Ang tawag ni Claudine kay Ryza ay baby girl at little sister. Girlfriend si Ryza ni Cholo Barretto, nephew ni Claudine.

CLAUDINE AT RYZA copy copy

Ilang beses nang nagpo-post si Claudine ng pictures nila sa Instagram na nila-like naman ni Ryza. Sa isang picture, nakasuot sila ng Korean costume at ang caption niya, “Korean night with my baby girl @iamryzacenon. “ Ang isa pang picture, kuha nang magkita sila sa Viva Films office, na may caption namang, “with my little sister/niece @iamryzacenon.”

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

Pareho nang Viva Artists sina Claudine at Ryza, kaya naman may hirit ang fans ni Claudine na sana raw ay makagawa sila ng pelikula sa Viva Films, na bagay silang magsama, isang bida at isang kontrabida.

Marami ang nagkokomento na parehong maganda sina Claudine at Ryza at kita na raw na bumalik na ang dating body at face ni Claudine, kaya gumawa na siya ng movie dahil miss na miss na nila ang kanilang idolo na mapanood sa big screen. Napapanood din nila ang mahusay na pagganap ni Ryza sa Ika-6 Na Utos, kaya maganda silang magsama sa isang project.

Samantala, inreklamo ni Claudine ang branch ng Petron located sa Libis na malapit daw sa Padre Pio Shrine.

Disappointed siya sa service ng naturang gas station na mali ang inilagay na gas kahit sinabi na ng driver niya na unleaded ang ikarga, hindi raw nakinig ang gasoline boy at sa halip ay diesel ang inilagay. Sa halip pang mag-sorry ng gasoline boy, pabalang pang sumagot. Kaya raw kapag may nangyari sa kanyang Savannah car, sila ang sisihin niya.

May dash camera eaw car niya kaya naka-record ang lahat ng nangyayari sa loob at labas ng kanyang van. Ipinaabot din niya ito sa Petron management.

Nasaksihan din pala ni Ryza ang pangyayari dahil kasama niya ito sa van with her two year-old daughter dahil magdi-dinner sila sa isang restaurant sa tapat ng gasoline station.