Ni JIMI ESCALA

AYON kay Kim Chui, wala siya sa poder para pigilan o hayaan si Xian Lim sa paglipat nito sa Viva Artist Agency. Kahit malapit siya kay Xian, wala raw siyang karapatanng makialam sa anumang desisyon nito pagdating sa trabaho.

XIAN AT KIM copy copy

“Ako, eh, hindi naman ako ‘yung nakikialam, when it comes to work. Kung ano ‘yung desisyon niya, hands off kami sa isa’t isa kapag work na ang pag-uusapan,” sabi ni Kim.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Pero kahit lumipat ng management agency si Xian at nananatili siya sa Star Magic, hindi nangangahulugang hindi na sila magkakasama sa proyekto. Kahit nasa Viva na si Xian, ABS-CBN pa rin naman daw ang network nito.

“Same network pa rin naman kami ni Xian. Iba lang ang management namin pero it’s just the same. Hindi naman siguro, kasi kahit naman magka-camp kami, eh, iba pa rin ang pina-partner sa amin,” napakibit-balikat pang banggit ng mahusay na Kapamilya actress.

Malinaw ang pahayag ni Kim na bagamat nagulat ay hindi siya nag-oppose sa paglipat ng ka-love team at sinasabing boyfriend niya sa Viva

“Siyempre, nagulat din naman ako in a way. But of course, I’m happy if he’s happy with his decision. Alam niya naman na susuportahan ko siya every step of the way,” lahad pa ni Kim.

Umamin si Kim na isa siya sa hiningan ng opinion ni Xian tungkol sa gagawin nitong paglipat.

“Well, isa ako sa mga tinanong niya. Sa dami naman ng pinagtanungan niya, napagsama-sama niya siguro,” aniya.

So, hindi niya nagawang pigilan si Xian?

“Grabe naman ‘yan. Ako, hindi naman ako nakikialam when it comes sa mga bagay na ‘yan. Kung ano ‘yung gusto niya, hands off talaga kami sa isa’t isa.”