Ni NITZ MIRALLES

NAUNA ang signing sa renewal ng contract niMarian Rivera sa GMA Network sa harap nina GMA Chairman & CEO Atty. Felipe Gozon; President & COO Jimmy Duavit; Executive Vice-President & CFO Felipe Yalung; SVP for Entertainment Content Group Lilybeth Rasonable at iba pang executive ng network, bago isinagawa ang presscon.

Marian copy copy

Masaya ang mga bossing ng GMA-7 na nananatiling Kapuso si Marian na nagpahayag pa ngang “Kapuso ako forever. Walang dahilan para umalis pa ako rito dahil ibinibigay nila sa akin ang gusto kong project at ang pinakaimportante, never nilang pinakialaman ang personal kong buhay.”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Magbabakasyon muna sina Marian at Dingdong Dantes to celebrate Valentine’s Day at next month, pagmimitingan na nila ng mga bossing ng network ang gagawn niyang project kasunod ng Super Ma’am.

Bago ang Q & A, ipinalabas muna ang video na nagpakita ng pagsisimula ni Marian sa Siyete, ang mga show na ginawa at pati ang kasalukuyan.

“Ang ganda naman ng video na ‘yan, gusto n’yong maiyak ako. I-email n’yo naman sa akin ‘yan,” request ni Marian.

Hindi na sinabi ni Marian sa press kung ano ang laman ng bago niyang kontrata dahil confidential nga naman ‘yun at sila na lang ng management at ang management niya ang nakakaalam.

“More than 10 years na ako sa GMA. Malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil sila ang nagbigay ng break sa akin at anuman ang nararating ko ngayon dahil sa kanila ‘yun. Pag-uusapan namin ang mga gagawin ko at marami pa kaming dapat gawin,” pahayag ni Marian.