Ni Lyka Manalo

BATANGAS CITY - Kinikilala pa ng mga awtoridad ang dalawang ‘persons of interest’ na umaligid sa isang pawnshop, batay sa kuha ng closed circuit television (CCTV) camera, bago natuklasan ang pagsalakay ng Termite Gang, nitong Lunes.

Ipinakita sa posted video sa Facebook ng Palakat Batangas City Information Office ang dalawang lalaki nang bumaba sa motorsiklo malapit sa Golden Sun Pawnshop sa Evangelista Street, sa lungsod.

Dakong 8:00 ng umaga nang natuklasang sinalakay ang naturang pawnshop ni Adelaida Señosa, 54, at natangay umano ng mga suspek ang P11 milyon halaga ng cash at mga alahas.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon kay Supt. Wildemar Tiu, hepe ng pulisya, naghukay sa ilalim papasok sa pawnshop ang mga suspek.

Narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ng insidente ang manual drill, screw, jack, wooden blocks at iba pang paraphernalia.