Kim Kianna Dy of DLSU  (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Kim Kianna Dy of DLSU (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)

Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Filoil Flying V Centre)

8:00 n.u. -- Ateneo vs Adamson (M)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

10:00 n.u. -- La Salle vs UE (M)

2:00 n.h. -- Ateneo vs Adamson (W)

4:00 n.h. -- La Salle vs UE (W)

IKALAWANG dikit na panalo na magluluklok sa kanila sa maagang pamumuno ang tatangkain ng reigning women’s champion De La Salle University sa pakikipagtuos sa University of the East sa tampok na women’s match ngayong hapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa UAAP Season 80 volleyball tournament sa Fil Oil Flying V Centre sa San Juan.

Magkataliwas ng kapalaran sa kanilang unang laban ang Lady Spikers at Lady Warriors bagamat kapwa umabot ng five sets, nakalusot ang DLSU sa hamon ng University of Santo Tomas Tigresses habang yumukod naman ang UE sa kamay ng University of the Philippines Lady Maroons.

Bagama’t naipakita ang mga katangiang naghatid sa kanila sa back to back championship noong nakaraang season sa kabila ng pagkawala ng kanilang ace setter, inaasahan na ni Lady Spikers coach Ramil de Jesus na magiging mahirap ang kanilang tatahaking landas.

“Sinabi ko na sa mga players ‘yun na kung gusto natin manalo, dadaan tayo sa pinakamahirap na parte ng laro,” pahayag ni De Jesus. “So, hopefully, makapag-adjust sila kaagad kasi every game siguro ine-expect ko na mas matuto or mas maging mature sila sa game.”

Inaasahang gaganap ng mahalagang papel para sa kampanya ng DLSU ang kanilang bagong setter na si Michelle Cobb na nakapasa sa kanyang unang pagsubok bilang kapalit ni Kim Fajardo.

Kinakitaan naman ng malaking improvement sa kanilang laro, hindi na puwedeng biruin ang Lady Warriors sa ipinakita nitong kapasidad para manalo sa pangunguna nina Judith Avil, Roselle Baleton at Shaya Adorador.

Mauuna rito, kapwa naman galing sa kabiguan sa una nilang laban, mag -uunahang makabawi at pumasok sa win column ang Ateneo de Manila University at ang Adamson University.

Sisikapin ng Lady Eagles sa 5-sets na pagkabigo sa kamay ng Far Eastern University habang magtatangka namang makabangon ang Lady Falcons sa natamong pagkatalo sa National University.