Ni Fer Taboy
Pinagkalooban ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald dela Rosa ng meritorious promotion ang 753 pulis na nakipagbakbakan sa Marawi City, Lanao del Sur, atsa Binuangan, Misamis Oriental, kasabay ng flag ceremony sa Camp Crame sa Quezon City kahapon.
Ayon kay dela Rosa, umabot sa 745 pulis na lumaban sa teroristang Maute-ISIS sa Marawi ang itinaas ng ranggo, gayundin ang walong tauhan ng Binaungan Municipal Police na nakipagbakbakan sa New People’s Army(NPA) sa Misamis Oriental.
Limang buwang nakipagbakbakan ang 745 pulis sa Marawi, sa pangunguna ni Chief Insp. Marlon Urbanoso Ancheta.
Ang walong pulis naman na na-promote, sa pangunguna ni Senior Insp. Dante Hallazgo, ay nagtagumpay sa pagtaboy sa 200 rebelde na umatake sa kanilang himpilan sa Binuangan.