Ni Bella Gamotea

Nagpatupad muli ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Flying V at Pilipinas Shell, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw ng Pebrero 6 ay nagtaas ito ng 60 sentimos sa kada litro ng kerosene, 50 sentimos sa gasolina, at 35 sentimos sa diesel.

Kaagad itong sinundan ng Shell, na nagpatupad ng kaparehong dagdag-presyo sa petrolyo dakong 6:00 ng umaga ngayong araw.

Eleksyon

Ex-Pres. Duterte, binawi kandidatura bilang alkalde ng Davao City; tatakbo umanong senador

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya sa kahalintulad na oil price hike, na bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.