Nina Rommel Tabbad at Fer Taboy

“‘Di totoo ‘yan.”

Ito ang pahayag kahapon ni Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Chief Astronomer Dario Dela Cruz kaugnay ng nagsusulputang superstitious beliefs kasabay ng paglitaw ng super blue moon at lunar eclipse kagabi.

Aniya, walang batayan ang kumakalat na ulat na “masisira ang ulo ng mga hayop sa pag-uumpisa ng eclipse at super blue moon”.

Eleksyon

'Walang Imee, Camille?' DuterTEN, Honasan, Querubin ineendorso ni FPRRD

Wala ring katotohanan, aniya, na senyales ito ng nalalapit na paggunaw sa mundo o kaya ay may epekto ito sa volcanic activity sa bansa.

Ayon pa kay Dela Cruz, may nagsasabi pang makatutulong ang eclipse sa mga mag-asawa sa kanilang pagtatalik.

Sa lahat ng ito, tiniyak ni Dela Cruz na isa sa mga magiging epekto ng paglapit ng buwan sa Earth ay ang pagtaas at pagbaba ng antas ng tubig sa dagat.

Nasilayan bandang 9:30 kagabi, muling masasaksihan ang naturang astronomical event sa 2037.