Ni Nitz Miralles

ISA si Dennis Trillo sa Kapuso stars na madalas makatrabaho ni Direk Maryo J. delos Reyes. Ipinost niya sa social media ang poster ng Magdusa Ka, Gumapang Ka Sa Lusak at Biritera, shows niya sa GMA-7 na si Direk Maryo ang director.

dENNIS copy copy

Kung hindi kami nagkakamali, nagkaroon pa ng international award ang Magdusa Ka.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Dapat ay matagal nang nagkatrabaho uli sina Dennis at Direk Maryo, pero ang pilot week lang ng The One That Got Away ang ginawa ni Direk Maryo at ibinigay na ang pagdidirek ng sexy rom-com series kina Mark dela Cruz at Rado Peru.

Sabi ng taga-production na tinanong namin, nag-beg off si Direk Maryo dahil may mga aasikasuhin daw siya. Kaya hindi natuloy ang reunion project sana nila ni Dennis.

“Salamat sa lahat Direk Maryo, mami-miss ka namin...,” post ni Dennis sa Instagram.

Samantala, nagpasalamat si Dennis sa mga sumusubaybay sa TOTGA, sa mataas na ratings at positive feedback. Nakangiti siguro si Dennis habang binabasa ang comments na napapasaya sila ng show, na natutulog silang nakangiti at stress-reliever nila ang TOTGA lalo na kung galing sila sa mahabang biyahe at trapik.

“There’s more to come, tuloy lang ang pagsubaybay sa love story ni Liam. Exciting abangan kung sino kina Alex (Lovi Poe), Darcy (Max Collins) at Zoe (Rhian Ramos) ang kanyang pipiliin sa ending. May Chanel (Sophie Albert) pa pala.

Ngayon lang ako nagkaroon ng maraming leading ladies,” wika ni Dennis.