Billy at Coleen copy

Ni JIMI ESCALA

UMIIWAS pa rin hanggang ngayon si Billy Crawford na magbigay ng detalye ng kasal nila ni Coleen Garcia. Pero tiniyak niya na magaganap ito ngayong taon

“Huwag silang mag-alalala sigurado kami na this year ang kasal. ‘Yung date, not yet muna, ayaw muna naming magbigay pa ng details,” sey ni Billy.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May mga nagsasabing sa summer na ito mangyayari.

“Well, tingnan natin. Magtatapos na ang January at ilang tulog na lang, eh, February na. So, malapit-lapit na ang panahon. Preparations naman, eh, almost done na. Inaaayos na lang namin ang guest lists. Medyo ‘yun ang mahirap,” katwiran ng singer/actor/TV host.

May plano raw sila na magkaroon din ng reception dito sa Manila para sa mga kaibigan niya sa showbiz.

“Gusto ko rin namang makasama sila. Ayaw kong masaktan dahil pareho rin kaming nasa showbiz, eh,” dugtong ni Billy.

Best friend niya si Luis Manzano, kaya marami ang nagsasabing tiyak daw na ito ang magiging best man sa kasal nila ni Coleen. Pero agad namang binanggit ni Billy na hindi taga-showbiz ang best man nila.

“Non-showbiz ang kinuha naming best man, pero for sure naman, eh, hindi nawawala si Lulu Boy sa okasyon namin. Siya pa, di ba?”

Ang hindi lang matiyak ni Billy ay ang pagdalo ng mga magulang niya sa kasal.

“I’m not so sure. Kasi both of them, medyo malala ‘yung kalagayan nilang dalawa, so I don’t want to dwell and ayoko ring mapunta ‘yung atensiyon sa kanila. Actually, hindi sila pinayagan ng mga doctor,” napailing na sabi ni Billy Boy.

Pero pipilitin nila ni Coleen na puntahan ang mga magulang niya sa Texas bago man lang sila ikasal.

“Medyo sad, so baka kami ni Coleen ang umalis papunta sa kanila prior to our wedding, out of respect din naman.

Actually, kung talagang papipilian, I prefer them to come in, di ba?

“Pero kung hindi talaga kakayanin, ‘wag pilitin. Baka kung ano pang mangyari, pagsisisihan ko pa,” seryosong banggit ni Billy.

Wala pa silang napag-uusapan ni Coleen kung saan ang kanilang honeymoon.

“Mahirap kasi ‘yan ngayon sa sitwasyon namin. May obligation din kami sa trabaho namin, hindi rin naman namin maiwanan. Actually, medyo marami-rami pa rin ang ongoing shows, so hindi kami makapasok ng schedule, siguro we will wait and plan it proper,” seryosong sabi ni Billy.