Ni NITZ MIRALLES

NAKASABAY ng ilang reporters si Kris Bernal na nagsa-shopping sa Rustan’s Gateway noong isang gabi. Malapit nang magsara ang Rustan’s, kaya inisip siguro ni Kris na wala siyang makikitang reporter. 

Kris B copy

Nagulat na lang siya nang sa isang pag-ikot, nakasalubong niya ang isang reporter na nasundan ng isa pa.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

May kasamang guy si Kris na obviously, boyfriend niya dahil sa body language. No choice si Kris kundi ipakilala ang guy, pero careful itong hindi banggitin ang pangalan ng boyfriend. Ang sabi lang sa reporter, “Siya ang makakasama ko sa Iceland.”

Nahiya naman ang reporter na tanungin ang guy kung ano ang name nito, kaya nginitian na lang ito. 

Chinese ang guy at tingin ng reporter, businessman, at kaya siguro sila nagklik ni Kris dahil nasa food business na rin siya.

So, confirmed na ang boyfriend ang kasama ni Kris sa pagpunta sa Iceland to witness Northern Lights. Sa February 4 na ang alis nila at tinapos lang ang taping ng Impostora noong January 27. Sa Feb. 9, ang final episode ng hit afternoon soap na tinampukan nina Kris at Rafael Rosell.

Worth it ang lahat ng hirap, puyat at pagod ni Kris sa taping ng Impostora dahil napansin ang kahusayan niya sa pag-arte.

“Ang goal ko na lang, manalo ng acting award para maniwala ako na may improvement ang acting ko. Iba pa rin ‘pag tumanggap ka ng best actress award kesa nababasa lang sa social media. Gusto ko sanang makuha ‘yun dito sa Impostora at kung hindi man mangyari, sa mga susunod kong teleserye,” sabi ni Kris.