Ni Nitz Miralles

LUMITAW si Xian Gaza sa Instagram feed ni Erich Gonzales nang mag-comment sa photo na ipinost ng dalaga na kuha sa pictorial niya para sa isang magasin. 

Erch copy

Kaya lang, nang balikan namin ang IG ni Erich, deleted na ang post na may comment si Xian.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

May picture pa rin si Erich sa IG ni Christian at naaliw kami sa comments na para ma-meet niya si Erich, magpa-block screening siya ng movies ng dalagz. Kung hindi raw niya ito nagawa sa Siargao, puwede niyang gawin sa movie nina Erich, Tom Rodriguez at Lovi Poe na Significant Other na showing sa February.

Anyway, nagiging favorite cover girl si Erich ng lifestyle magazine at nag-i-enjoy ang fans niya sa cover at feature niya sa Rouge kahit lagi siyang nakatalikod o nakatagilid dahil kita ang bare back at may pasilip pa ng boobs.