Ni Liezle Basa Iñigo
MANGATAREM, Pangasinan - Malaki ang posibilidad na sumabak sa pagkasenador si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos bilang kinatawan ng Ilocos Region sa Senado.
Sa pagbisita niya sa Mangatarem, Pangasinan kahapon para sa selebrasyon ng pista ng bayan, sinabi ng gobernadora na maraming nangungumbinsi sa kanya para tumakbong senador.
Bukas naman ang isipan ni Marcos sa pagkandidatong senador, sinabing malaking tulong ito para magkaroon ng kinatawan sa Mataas na Kapulungan ang mga taga-Ilocos Region.
Abala ngayon si Marcos sa pagde-develop ng tourism site dahil na rin sa patuloy na pagdagsa ng turista sa Ilocos.