Ni NITZ MIRALLES

HALA! Marami ang kinikilig sa prospect na baka magkaroon ng bagong chapter at book two ang relasyon nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.

Carlo at Bela copy

Matatandaan na nagkaroon ng relasyon sina Angelica at Carlo noong mga bata pa sila, nag-break nga, at nagkaroon ng kanya-kanyang love life, pero nanatiling magkaibigan.

Human-Interest

ALAMIN: Pinoy mountaineer na nasawi sa Mt. Everest, ina-advocate ‘clean water,’ ‘cure children’s cancer’

Sa press launch kahapon ng Meet Me in St. Gallen na pinagbibidahan nila ni Bela Padilla, nagisa si Carlo tungkol sa kinakikiligang running story nila ni Angelica sa social media. Pero napakatipid ng mga sagot niya. Napaka-gentleman talaga, komento ng mga katoto.

Although inamin niya na very fresh pa ng bagong sitwasyon nila ni Angelica, na nalaman ding three months na pala.

So, three months ago ay muling nagkita sina Angelica at Carlo, nagkaroon ng communication at pictures pa lang nila ang ipinost ng aktres, pero napakarami nang kinilig. Nadiskubre na marami pa rin silang fans na umaasang magkabalikan sila lalo’t parehong single ang status nila.

Dagdag na kilig ang ipinost ni Angelica na may nagpadala sa kanya ng beautiful bouquet of flowers at nilagyan lang nito ng caption na, “Huy salamat.”

Si Carlo naman, may tweet na, “Matalik na kaibigan, maaari ba kitang maging matalik na pag-ibig?”

Malalim ang foundation ng friendship nina Angelica at Carlo na nagsimula noong mga bata pa sila, nauwi sa relasyon, break-up at ngayon, friends na uli sila.

Hindi malayong maging sila uli... ‘yun ay kung mahal pa nila ang isa’t isa.