Ni Anna Liza Villas-Alavaren

Bumilis ang lagay ng trapiko sa EDSA matapos ang holidays, kasunod ng mahigpit na pagpapatupad ng motorcycle lane at yellow lane, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Base sa datos ng MMDA, ang oras ng biyahe mula sa Roxas Boulevard patungong Monumento at vice versa ay nabawasan ng 18 minuto, habang ang travel speed ay nadagdagan ng 3.21 kilometers per hour (kph).

Sa comparative survey nito, ang average travel time sa 23-km major thoroughfare ay isang oras at 38 minuto, at may travel speed na 14 kilometer per hour (kph) noong Disyembre 21 ng nakaraang taon. Nitong Enero 8, ang travel time ay isang oras at 20 minuto, at may travel speed na 17 kph.

Eleksyon

Makabayan senatorial bets, winelcome ni Ex-VP Leni sa Naga

Ang bahagyang pagbabago sa trapiko ay iniugnay ni Bong Nebrija, MMDA operations supervisor, sa pinaigting na pagpapatupad sa motorcycle lane at yellow lane at sa “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” campaign na humuhuli sa mga luma at sirang pampublikong sasakyan sa Metro Manila.

Sa ilalim ng yellow lane policy, pinagbabawalan ang mga pribadong motorista na gumamit ng yellow lane, na para sa mga pampublikong sasakyan. Pagmumultahin ng P500 ang mga lalabag.