Ni NITZ MIRALLES

HINDI lang pala si Liza Soberano ang kamukha ni Kate Valdez dahil ‘pag naiba na ang kanyang make-up, ang beauty queen na si Maxine Medina naman ang nagiging kamukha niya. Gaya na lamang sa make-up ni Kate sa presscon ng Sherlock, Jr. naging kahawig niya si Maxine.

kATE1 copy

Kahit si Sanya Lopez, nakapag-comment ng “Omg! I thought si Maxine Medina, hahahaha! Gorg, my love!”

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

“Pero para sa mga reporter na nasa presscon ng Sherlock Jr., si Liza ang mas kamukha ni Kate.

“Sobrang blessed naman ako para masabihang kamukha ko si Liza. Sobrang ganda niya, she’s one of the most beautiful faces in showbiz at masarap sa pakiramdam na ang tingin sa akin ay kamukha niya. Flattered ako. Given the chance, gusto ko siyang ma-meet. Pero gusto ko pa ring makilala ako bilang si Kate,” sabi ng young star.

Samantala, malaki ang pasasalamat ni Kate na pagkatapos ng Encantadia, nasali siya sa Sherlock Jr., na nasa primetime slot uli. Ginagampanan niya ang role ni Jenny Nuῆez, half sister ni Jack (Ruru Madrid). Sina Ai Ai delas Alas at Roi Vinzon ang parents niya.

“Enjoy ako sa character ko na madaldal at kasama sa isang masayang pamilya. Ang sarap kaeksena si Ms. Ai Ai, masaya siyang katrabaho at magaling pa. Natutulala lang ako minsan sa husay niya sa pagpapatawa, hindi ko kayang mag-focus, pero tina-try kong pigilan ang sarili ko,” pagtatapos ni Kate.

Sa Monday, January 29, ang pilot ng Sherlock Jr., pagkatapos ng 24 Oras, mula sa direction ni Rechie del Carmen.