Ni Bella Gamotea

Nagkanya-kanyang diskarte ang mga motorista sa pagpapakarga ng petrolyo upang makatipid at hindi maapektuhan ng oil price hike na muling ipinatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V, ngayong Martes. 

Ito na ang ikaapat na sunod na Martes na nagtaas-presyo ang mga kumpanya ng langis.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw ngayong Martes ay magtataas ito ng 50 sentimos sa kada litro ng diesel at kerosene, habang 35 sentimos naman ang dagdag-presyo sa gasolina.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya ng langis sa kaparehong taas-presyo.

Ang bagong price increase ay bunsod ng paggalaw sa presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Enero 16 nang nagdagdag ang oil companies ng 80 sentimos sa kada litro ng gasolina at 55 sentimos naman sa diesel at kerosene.