Ni Gilbert Espeña

NAIBULSA ni Filipino International Master (IM) Oliver Dimakiling ang kampeonato ng 2nd KIMMA Open Chess Championship 2018 na ginanap sa Belakang Haniffa Departmental Store sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong Linggo.

Nakakoleta ang tubong Davao City na si Dimakiling ng perpektong pitong puntos sa pitong laban.

Naitala ni Dimakiling ang tagumpay kontra kina Malaysians Siti (WC) Safura Jaafar, Teh Wee Zhun, Yusof Kamaluddin, FM Zhuo Ren Lim, IM Mas Hafizulhelmi, IM Mok Tze-Meng at IM Yeoh Li Tian.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tumapos naman na segunda si IM Haridas Pascua ng Pilipinas na may 6.5 puntos mula sa anim na panalo at isang tabla.

Magkasalo naman sina IM Mas Hafizulhelmi ng Malaysia at FM Nelson Villanueva ng Philippines sa 3rd hanggang 4th placers na may tig 6.0 puntos.

Nanguna naman si IM Yeoh Li Tian ng Malaysia sa huge group ng 5.5 points na kinabibilangan nina Filipino Ian Cris Udani at Malaysians FM Zhuo Ren Lim, FM Sumant Subramaniam, Francis Tan, Evan Timothy Capel at Julian Navaratnam.