ESPESYAL na pagsalubong sa 2018 ang hatid ng GMA-7 sa pamamagitan ng ground-breaking concert series na 3 Stars, 1 Heart tampok ang powerhouse trio nina Regine Velasquez-Alcasid, Christian Bautista, at Julie Anne San Jose.

Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid copy copy

Sa 3 Stars, 1 Heart concert na collaboration ng GMA Regional TV (GMA RTV) at ng GMA Entertainment Content Group, unang mapapanood sina Regine, Christian, at Julie Anne ngayong Sabado, January 20, 8 PM, sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu bilang bahagi ng makulay na pagdiriwang ng Sinulog Festival.

Ipamamalas nina Regine, Christian, at Julie Anne ang kani-kanilang galing at talento sa spectacular stage performance.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Kaabang-abang pang lalo ang number ni Regine dahil magkakaroon din ng fashion show tampok ang long gown collection ng isang sikat na local fashion designer.

Tiyak namang kikiligin ang mga Cebuano sa paghararanang gagawin ni Christian. Makakasama rin niya sa stage ang isang local singer.

Samantala, aaliwin naman ni Julie Anne ang mga Cebuano sa kanyang powerful song and dance performance kasama ang hip hop dancers ng Cebu.

Pagkatapos ng 3 Stars, 1 Heart sa Cebu ay magkakaroon din ng isa pang pang concert sa Abril sa CSI Stadia, Dagupan City para sa Bangus Festival.