Ni Marivic Awitan

MATAPOS mailabas ang final line-up ng mga teams na lalahok sa 2018 PBA D League Aspirants Cup, marami ang nagtaka kung bakit wala ang pangalan ng top overall pick sa nakaraang 2017 PBA D-League Rookie Draft na si Owen Graham sa line -up ng AMA Online Education.

Ayon sa mismong coach ng Titans na si Mark Herrera na siyang pumili kay Graham sa draft, hindi pa naisusumite ng Fil-Canadian cager ang mga kinakailangang mga papeles para makalaro sya sa D League.

At kapag nagkataon, posibleng hindi na nga makalaro ang 6-foot-4 forward sa developmental league.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“He still needs to submit papers,” ani Herrera na ayaw namang sabihin kung anong dokumento pa ang kulang ni Graham. .

Nakapaglaro na para sa AMA si Graham sa ilang mga collegiate leagues gaya ng NCRAA.

Kung hindi matutuloy na maglaro ang dating Humber College North Campus (Toronto,) standout, sasandigan ng Titans para mamuno sa kanilang kampanya sina Andre Paras, holdovers Mario Bonleon at Genmar Bragais kasama ng mga bagong recruits na sina JK Casiño, Philip Manalang, at Michael Cañete .