Ni Mina Navarro

Mahigit 5,000 dayuhan, na itinuturing na hindi makatao sa pambansang interes, ang hinarang ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok sa bansa noong nakaraang taon.

Sa ulat na ipinarating kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nasa kabuuang 5,146 na dayuhan ang pinigilang makapasok sa iba’t ibang paliparan sa buong bansa.

Aniya, karamihan sa mga ito, 4,511 dayuhan, ang pinaalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Idinagdag ni Mariñas na nasa 334 at 112 dayuhan naman ang hinarang sa mga paliparan sa Mactan, Cebu at Kalibo, Aklan; habang ang 11 iba pa ay hinarang sa Clark, Pampanga.

Kabilang sa mga napalayas ay registered sex offenders (RSO), wanted na mga pugante, hinihinalang international terrorist, blacklisted foreigners, at dating mga na-deport na muling nagtangkang pumasok sa bansa.

“Our country is safer and our borders are secure because of you (BI personnel) … keep watching!,” wika ng BI chief.

Sinabi rin ni Mariñas na binigyan din ng exclusion order ang mga dayuhang nahatulan ng pang-aabusong seksuwal, improperly documented aliens, at mga pasaherong bastos at walang galang sa mga immigration officers (IOs).

Makikita sa talaan ng ahensiya na ang 2,168 Chinese ang nanguna sa listahan ng mga pinalayas, sinundan ng 295 Indians, 190 Amercians, 183 Koreans, at 120 Vietnamese.