Ni JIMI ESCALA

GANAP nang ina si Kaye Abad. Kaya masayang-masaya ang aktres at hindi maipaliwanag sa lahat ang sobrang kaligayahang nararamdaman niya ngayon.

KATE BABY JOAQUIN AT JAKE copy

“Thank you Lord, sa blessing na ito,” sabi ni Kaye. “Sobrang saya ko at hindi ko maipaliwanag talaga ang naramdaman ko ngayon. Feeling ko, eh, sobrang blessed kami ni (Paul) Jake (Castillo).”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa pagdating ng kanilang panganay ni Paul Jake na pinangalan nilang si Baby Boy Joaquin, aware si Kaye na may mga darating pang challenges sa kanila bilang parents.

Pero sanay na rin naman daw sila sa challenges, basta sa ngayon daw ay kailangan na rin nilang mag-adjust ni Paul Jake para sa baby nila.

“Siyempre, kailangan naming mag-adjust pero masaya talaga kami. Tama ‘yung sinabi nila na magiging sulit ang lahat ng puyat at kung anumang mga naramdaman kong pagod ‘pag nakita mo ang anak mo,” kuwento ni Kaye.

Aminado siya na nag-gain siya ng weight pero hindi problema sa kanya ito.

Kailan niya babalikan ang showbiz?

“Darating pa rin naman tayo d’yan. Pero hindi muna sa ngayon. Hindi kailangang madaliin ‘yan. For now kasi ang gusto ko, eh, mag-alaga muna sa anak namin. ’Yun muna ang priority ko at saka na ‘yung showbiz,” sagot ni Kaye.

Ikinasal sina Kaye Abad at Paul Jake noong December 2016 at sa mismong kaarawan ng asawa ay ipinanganak ni Kaye si Baby Boy Joaquin.

Sa mga interviews kay Kaye noon pa man, ipinagdiinan niya na kailangan nilang bumuo ng masayang pamilya ni Paul Jake.

Pangarap nilang magkaroon ng tatlong anak.

“It was a dream noon, but now, I finally have my own family. May isa na kaming anak. Thank you, Lord, for making me happy always,” lahad pa rin ni Kaye Abad.