Ni PNA

KAILANGANG mamuhunan ang gobyerno sa pagpapasigla sa produksiyon ng sektor ng agrikultura dahil malaki ang ginagampanan nito sa pagbabawas sa bilang ng mahihirap, ayon sa pag-aaral na inilathala ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS).

Sa Policy Note, inihayag ni PIDS Senior Research Fellow Roehlano Briones na nararapat lamang na paglaanan ng pondo ang pananaliksik at pagbabago, inobasyon, paggamit ng teknolohiya, higit pang pagpapahusay sa mga alituntunin at sistema, at transportasyon at imprastruktura.

Sinabi ni Briones na ang pagpapalakas sa pagpapasigla pa ng produksiyon sa agrikultura ay salungat ng pagbibigay ng atensiyon sa pagtaas ng mga ibinabalik na investment.

Night Owl

Isang pribilehiyong maging bahagi ng 125 taong kasaysayan ng Manila Bulletin

Aniya, ang average growth sa agrikultura ay dalawang porsiyento lamang noong 2011 hanggang 2016, habang ang sektor sa industriya at serbisyo ay tumaas ng pitong porsiyento.

Binigyang-diin din ni Briones ang ginagampanan ng pagpapasigla ng produksiyon sa agrikultura sa pagbabawas ng kahirapan.

Ayon sa PIDS paper, ang share ng sektor sa gross domestic product (GDP) ay tumaas ng 8.8 porsiyento noong 2016.

“Clearly, a more inclusive set of policies is needed to secure the participation of agriculture dependent households in the economy,” sabi ni Briones.

Sinabi pa ni Briones na layunin ng value chain strategy na remedyuhan ang kakulangan sa forward at backward linkages sa pagitan ng agrikultura at ng iba pang pangunahing sektor.

“For as long as these subsidies for private goods are avoided, and more cost-effective mechanisms pursued, e.g., cluster-based approach, establishing agricultural value chains may yet be a viable strategy for inclusive growth,” aniya.