Pinagtibay ng Kamara sa pangatlo at pinal na pagbasa ang House Bill 6591 na nagdedeklara sa Nobyembre 8 ng bawat bilang isang special non-working holiday) sa Eastern Visayas Region na tatawaging “Typhoon Yolanda Resiliency Day.”

Layunin ng panukala na inakda ni Rep. Yedda Marie Romualdez (1st District, Leyte) na bigyang-parangal ang libu-libong biktima ng bagyong “Yolanda” (Haiyan) na sumalanta sa Visayas noong Nobyembre 8, 2013.

Saklaw ng deklarasyon ang Eastern Visayas Region na binubuo ng Tacloban City at ang mga lalawigan ng Leyte, Biliran, Southern Leyte, Northern Samar, Western Samar at Eastern Samar. - Bert De Guzman

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji