Ni NITZ MIRALLES

Teetin at JC
Teetin at JC
BREAK na pala sina JC Santos at si Teetin Villanueva at parang ang huli ang nag-announce sa Instagram post nito na, “Time discover truth.”

May mag-react na follower niya na may hunch na ito before the New Year, pero wish pa rin ng follower ni Teetin na magkabalikan sila. Kung hindi na puwede, wish nitong maging masaya na lang sila pareho.

“He can’t be trusted. So... NO, there’s no way we’re getting back together,” ang sagot ng ex-girlfriend ni JC.

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

May binanggit pa itong, “PLURAL” na ang dating sa mga nakabasa, hindi lang sa isa, kundi marami ang involved kay JC.

Wala pang reaction ang aktor sa isyu. Ang tatandaan namin, sa presscon ng Meant to Beh, nabanggit niyang nasa bansa ang OFW parents niya, kaya sabay-sabay nilang panonoorin ang pelikula na kasama siya.

Nang may magtanong kung kasama rin nilang manonood ang GF niya, ang sagot ni JC, uuwi ito sa Davao to spend Christmas with her family. Ang sunod na balita ay itong break-up nila.