Mga Laro Ngayon (Rizal Memorial Football field)

4 m.h. -- San Beda vs CSB-LSGH (jrs)

6 n.g. -- AU vs CSB (srs)

MAGTATANGKA ang Arellano University na maiuwi na ang korona sa muli nilang pagtutuos ng College of St. Benilde ngayong gabi sa Game Two ng kanilang best-of-three championship series sa NCAA Season 93 football tournament sa Rizal Memorial pitch.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa pamamagitan ni dating national team member Jumbel Guinabang na umiskor ng goal sa extra time, nagwagi ang Chiefs sa Game 1 ng serye, 3-2, noong Biyernes ng gabi.

Dahil dito, inaasahang magiging markado na ang 20-anyos na si Guinabang, dating miyembro ng Phl Under-19 team na sumabak sa ASEAN Football Federation Championship sa Vietnam noong 2015 sa muling pagharap nila sa Blazers ngayong 6:00 ng gabi.

Para kay Arellano coach Ravelo Saluria,kailangan nila ng parehas na laro upang makamit ang inaasam nilang ikalawang titulo sa liga.

“We hope to show the same kind of intensity in the next game, maybe more, for us to get this title,” pahayag ni Saluria.

Mauuna rito, tatangkain din ng San Beda College na mawalis na ang sarili nilang finals series ng CSB-La Salle Greenhills sa kanilang muling pagtutuos ganap na 4:00 ng hapon.

Nauna ng pinadapa ng Junior Red Booters ang Junior Blazers sa series opener, 2-1. - Marivic Awitan