Ni PNA

PARTIKULAR na puntirya ng Travel Tour Expo (TTE) ngayong taon ang mga biyaherong millennial.

Ito ang inihayag ni Philippine Travel Agencies Association (PTAA) President Marlene Dado Jante kaugnay ng ilulunsad na taunan at pinakamalaking travel event na inorganisa nito, at itatampok sa SMX Convention Center.

Ayon kay Jante, nadagdagan ng 21 porsiyento ang exhibitors ng TTE 2018 kumpara noong nakaraang taon, kaya sa kabuuan ay mayroon itong 400 participants, ang pinakamarami sa kasaysayan ng aktibidad.

Night Owl

Isang pribilehiyong maging bahagi ng 125 taong kasaysayan ng Manila Bulletin

“We’re targeting millennials because the direction of their mind is really to travel,” sabi ni Jante, at idinagdag na hatid ng TTE sa mga biyahero ang patok ngayon sa social media: mga diskuwento sa airline tickets at praktikal na tour packages.

Naniniwala rin ang pinuno ng PTAA na marami pang mas magagandang maiaalok ang taunang tourism event.

“Since 1993, we have been bringing together all the stakeholders under one roof. We are playing a key role in the growth of Philippine tourism,” sabi ni Jante. “This is the reason why we are pushing forward and searching for ways to evolve the expo from its venue, program, and offerings to the public. Right now, the TTE is running parallel to the growth of our tourism industry.”

Tiniyak din ni Jante na makakukuha ng “best deals” sa expo ang mga makikibahagi rito.

Ayon sa PTAA, umabot na sa 995 ang nairehistrong booth nitong Lunes, at patuloy itong nadadagdagan. Sasaklawin ng halos 1,000 booth ang 16,230 metro kuwadradong SMX.

Kabilang sa mga exhibitor ng TTE ang mga hotel at resort, airlines, tour operators, cruise lines, theme parks, at mga national tourism organization mula sa iba’t ibang panig ng mundo. May mga kinatawan din ng mga embahada, regional tourism office, at mga lokal na pamahalaan.

May P70 entrance fee sa general admission at P50 para sa mga senior citizen, bubuksan sa publiko ang expo sa Pebrero 9-11.