Ni ERNEST HERNANDEZ

ISA pang Pinoy boxer ang nangagarap na marating ang pedestal at pursigido si Michael “Hot & Spicy” Dasmarinas na maisuot ang IBO (International Boxing Organization) world championship belt sa pagsabak sa Ringstar Boxing: Roar of Singapore IV – The Night of Champions sa Abril 20 sa Singapore Indoor Stadium

dasmarinas copy copy

Tampok na laban sa inihandang fight card, haharapin ng No.12 sa WBC na si Dasmarinas si Frenchman Karim Guerfi.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nakamit ng pambato ng Camarines Sur ang karapatan na sumabak sa championship match nang magwagi via knockout kay Phupha Por Nobhom ng Thailand nitong October 20, 2017 sa Ringstar’s Roar of Singapore III – The Chosen Wan’ sa Suntec Convention Center.

“Nakakagalak po at nabigyan tayo ng Ringstar ng ganitong pagkakataong mapakita ang ating galing bilang Pilipino,” pahayag ni Dasmarinas.

“Ngayon po ay puspusan ang aking paghahanda. Tuloy-tuloy po ang ating ensayo dahil nais ko po makamit ang IBO world title na ito. Samahan niyo po ako magdasal na makuha natin ang panalong ito. Ang panalo ko po ay pagkapanalo rin ngPilipinas.”

Ayon kay Ringstar’s Boxing Founder at CEO Scott Farrelis, inaasahang magiging eksplosibo ang laban sa pagitan ng Dasmarinas at Guerfi

“This is potentially one of the fight of the year nominees for 2018,” aniya.

“Michael Dasmarinas WBC ranked 12th vs. KarimGuerif WBC ranked 4th, will be a real war that both Philippine and French boxing fans will love to see. Ringstar is all about a neutral fight platform, giving a genuine unbiased opportunity for both these great fighters to lift the IBO world title.”