Patay ang isang security guard nang paulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang mga armado ang bahay nito sa Baras, Rizal kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Elmerando Tabangco Estrella, Jr., 39, residente ng Sitio San Roque, Barangay Pinugay, Baras.

Base sa ulat ng Baras Municipal Police Station, nahihimbing ang biktima katabi ang 11-anyos niyang anak, nang pagbabarilin ng mga suspek ang kanilang bahay, dakong 11:40 ng gabi.

Ayon sa anak ng biktima, ‘di pinangalanan, nagising siya sa tahol ng aso at apat na putok ng baril.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nang tingnan umano nito ang ama ay duguan na ito ay may mga tama ng bala sa kanang bahagi ng dibdib.

Sumilip pa umano ang bata sa bintana at nakita ang mga salarin habang tumatakas patungo sa ‘di batid na direksiyon.

Narekober ng awtoridad ang apat na basyo ng bala ng .9mm caliber sa pinangyarihan.

Inaalam na ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pagpatay. - Mary Ann Santiago