Ni JIMI ESCALA

Billy at Coleen
Billy at Coleen
BUKOD sa nalalapit na kasal nila ni Coleen Garcia, excited din si Billy Crawford na makalipat sa bagong bahay na ipinatatayo nilang dalawa.

Ito raw ang dahilan kung bakit kayod-marino siya ngayon. Palagay raw niya, mas malaki ang gastos sa finishing touches ng bahay kaysa pagpapatayo nito.

Ito ang magiging tirahan nila ni Coleen pagkatapos ng kanilang kasal. Ang bahay na ito ang katuparan ng ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi sila makikitira o magrerenta ng bahay.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pinangarap niya noon pa na kapag nag-asawa at nagkapamilya na siya, may sariling bahay silang titirhan.

Child actor pa lang ay kumikita na si Billy. Malaking factor ‘yung bata pa lang ay nagtatrabaho na siya kaya ganoon na lang ang pagpupursige niya na matupad ang dream house para sa magiging pamilya niya.