PATUTUNAYAN ni Fil-Am Brian Viloria na may bangis pa ang kanyang 'Hawaiian Punch' sa pagsabak kontra No.1 ranked Artem Dalakian sa bakanteng WBA flyweight crown ngayong Pebrero 24 sa California, USA.

“I’m eager to prove once again that I’m the premier flyweight in the world and you can count on seeing the best Brian Viloria ever,” pahayag ni Viloria.

I’ve always given the fans an honest account in the ring and they won’t be disappointed on February 24,” aniya.

Tangan niya ang 38-5 marka, kabilang ang 22 knockouts.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Galing sa impresibong fifth round demolition kontra American Miguel Cartagena noong Setyembre 9, naniniwala si Viloria na may nalalabi pang lakas sa kanyang katawan.