Marian  at  college  friends
Marian at college friends

HINDI maikakaila na lalong sumaya ang Holiday Season ni Marian Rivera dahil sa reunion ng mga kaibigan niya noong college.

Isa ito sa highlights ni Yan sa kanyang Instagram account nitong nakaraang Kapaskuhan. Halatang na-miss niya nang husto ang mga kaibigan dahil from ear to ear ang mga ngiti niya habang umuusok ang kanilang tsikahan galore. Ano kaya ang kanilang mga pinagkuwentuhan?

Samantala, nagulat ang lahat sa pagsama ng mahusay na host na si Patricia Tumulak o mas kilala bilang HBD girl ng Eat Bulaga sa well-loved Primetime series ni Marian Rivera na Super Ma’am. Ayon kay Patricia, natutuwa siya dahil action ang genre ng show. Dream daw talaga niyang makagawa ng action scenes lalo na ang pumatay ng zombies na siyang nangyayari ngayon sa kuwento ng programa. Pero ano nga kaya ang papel niya dito?

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Tuluyan na kaya niyang maaagaw ang korona kay Super Ma’am?