Ni NORA CALDERON

MEDYO nanahimik ang reel and real couple na sina James Reid at Nadine Lustre pagkatapos ng kanilang teleseryeng Till I Met You.

NADINE AT JAMES copy

Last year, sa ibang bansa sila nagkaroon ng concert tour at doon naranasan ni Nadine ang depression dulot ng ilang pangyayari sa personal na buhay niya. Pero hindi siya iniwan ni James, pagtatapat ni Nadine sa grand press launch ng kanilang second major concert na Revolution na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa February 9.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“I feel very blessed as a love team and as a couple, at ang daming nagbago sa akin because of him,” pagtatapat ni Nadine. “Dito rin namin nabuo ni James na mag-concentrate muna in our music. Iyong music video niya, ako ang nagdirek. Ever since po naman ay pangarap ko na talagang magdirek kaya I took up films. At siguro po ay mas magiging dito ang focus ko.”

“Magiging busy na rin kami ni Nadine dahil itutuloy ko na ang pagiging songwriter ko at producer ng aking Carelss Music Manila,” pahayag naman ni James. “Our label has produced na ng first single ni Nadine sa first music album niya, but untitled yet.”

Aawitin nila sa concert nila ang love songs na ang ilan ay sariling compositions ni James, like Bahala at Para-Paraan at new sounds like Cool Down at IL2LU na ginawa nila.

Ang Revolution concert ay presented by Manulife, Champion, and Hot Shots. Special guest performers nila sina Sarah Geronimo, Sam Concepcion, Kiana Valenciano, Bret Jackson at Vice Ganda. Producer is Viva Live. Director si Paul Basinillo, musical director si Jay Agustin at Dance Direcvtor si Teacher Georcelle.

Bago natapos ang presscon, natawa sina James at Nadine nang tanungin kung may pasabog silang muli sa concert, will it be the announcement na ng wedding nila? Hintayin na lang daw kung may announcement sila.

Pero ang wish nila para sa kanilang second anniversary ay makapag-out of town or out of the country uli. At mukha namang pinagbigyan sila ng kanilang bosses, at mas maaga pa sa ini-expect nila, dahil middle of January, lilipad na sila ng London para mag-shoot ng ilang scenes ng kanilang upcoming movie na Never Not Love You under Antoinette Jadaone na siya ring nagdirek ng super hit serye nilang On The Wings of Love.

Pagkatapos nito ay magiging busy na sila sa separate projects nila, si James sa The Granny (20 Again) with Sarah Geronimo at sa fantasy epic na Pedro Penduko. Si Nadine ay magsu-shoot naman ng Ulan under Irene Villamor at The Nurse horror movie na ididirek naman ni Jun Lana.