Ni Gilbert Espeña

NAGKAMPEON si Arellano University top player Juan Carlos Presente sa katatapos na San Jose Del Monte Woodpusher Society Pre New Year Non-Master Rapid Chess Tournament na ginanap kamakailan sa nasabing lungsod.

Nakaungos si Presente sa tie break points kontra kay fellow 5.0 pointers at University of Sto. Tomas bet Normel de Jesus para kunin ang titulo at kalakip ang top prize na P2,500.

Natanggap naman ni De Jesus ang runner-up prize na P1,000.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Magkasalo naman sa ika-3 hanggang ika-5 puwesto sina Michael Teves, Richard Dela Cruz at Eddie Sotto na may tig 4.5 puntos.

Ang Top High school award ay nasikwat ni John Edward Vito Cruz habang ang Top Elementary award ay napanalunan naman ni Chrose Edward Vito Cruz sa event na nilahukan ng 42 manlalaro kasama si NM Ed Nario kung saan nanguna sa closing rites ay si Michael Linde.