Ni Marivic Awitan

BALIK aksiyon ang PLDT, itinuturing pinakamatagumpay na koponan sa kasaysayan ng Shakeys V League, sa pagbubukas ng 2018 season ng Premier Volleyball League (PVL).

Mamanduhan ang koponan, dalawang taong nagpahinga, ni multi -titled mentor Roger Gorayeb.

Nauna nang ipinahayag ni Gorayeb ang pagbibitiw sa Bali Pure sa Philippine Super Liga (PSL) upang gabayan ang dating tropa sa PVL Reinforced Conference sa Abril 1.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“I’ve just talked to Bali Pure and I explained that I have no choice but to leave since PLDT is my mother team,” pahayag ni Gorayeb, gumabay sa PLDT sa 2015 PVL Open at Reinforced Conference title.

Ilan sa sa mga manlalarong nakahanay sa PLDT ay sina dating league MVP Grethcel Soltones, beteranong libero na si Lizlee Ann Pantone, at Alyssa Eroa, ayon kay Gorayeb.