Ni Nitz Miralles

NASA cast ng The One That Got Away o TOTGA si Max Collins at ginagampanan ang role ni Darcy, isang gym instructor na ex-GF ni Liam (Dennis Trillo). Dahil gym instructor, may mga eksena si Max na naka-gym outfit at alam naman natin ang suot ng mga nasa gym, may mga skin exposure at ‘yun ang mapapanood natin kay Max.

mAX copy

Wala raw isyu sa husband niyang si Pancho Magno kung magpa-sexy man siya dahil naiintindihan nitong trabaho lang ang kanyang ginagawa. Saka, alangan namang magpatalo siya kina Lovi Poe at Rhian Ramos na ubod ng seseksi.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Talo nga ako doon sa dalawa, ang seseksi at ang papayat nila, pero laban tayo. Sa pictorial pa lang, paseksihan na.

We were given clothes na kita ang tiyan, nag-enjoy na lang ako at enjoy ako sa taping, masaya lang kami. Tsikahan at tawanan lang kaming tatlo ‘pag breaktime. Ang ingay namin, nakakahiya kay Dennis na tahimik lang at nakikinig lang sa amin. Nagso-sorry kami sa kanya,” kuwento ni Max.

Sabi ni Max, sexy, pero hindi vulgar ang TOTGA. Wala ring vulgar sa dialogue, ibinagay lang sa mga eksena at sa panahon ngayon, kaya may millennial feels. Kung ano ang ibig sabihin ni Max, panoorin na lang ang TOTGA na magpa-pilot sa January 15, kapalit ng magtatapos na My Korean Jagiya.

Ang taping ng TOTGA ang rason kung bakit on hold ang honeymoon nina Pancho at Max na December 11, 2018 pa ikinasal, pero hindi pa nakakapag-honeymoon. Idagdag pa na busy din si Pancho sa taping ng Haplos, kaya wala pa silang time mag-honeymoon.

“Kapag natuloy na ang honeymoon namin, gusto namin sa Italy. Hindi kami nagmamadali, gusto namin i-enjoy ang honeymoon, kaya tapusin muna ang trabaho para tuluy-tuloy ang bakasyon,” pagtatapos ni Max.