NADAL
NADAL

MELBOURNE, Australia (AP) — Balik-aksiyon si top-ranked Rafael Nadal sa pagsabak sa Tie Break Tens event sa Melbourne sa Enero 10.

Nauna nang nag-withdraw si Nadal sa Brisbane International at Fast4 event sa Sydney bunsod ng injury sa kanang tuhod. Sa pagkakataong ito, ‘tila handa na si Nadal para sa taong 2018. Makakasama niya sa torneo sina Novak Djokovic at Stan Wawrinka sa winner-take all event na may kabuang US$250,000 prize.

“Tie Break Tens is a great concept and we will see and play some exciting matches. The field is fantastic and I expect some tough competition which will be great for the Aussie fans,” pahayag ni Nadal.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!