Kinilala ng gobyerno ng Makati City ang City Council dahil sa pagpapatupad ng ordinansa hinggil sa pagsusuot ng helmet ng mga rider ng bisikleta, skateboard, at roller skates sa lahat ng oras.

Sa ilalim ng City Ordinance No. 2017-134, na pinangalanang “Bicycles, Skateboards, Roller Skates and other Similar Forms of Conveyances Safe Riding Ordinance of the City of Makati”, kailangang magsuot ng helmet ang mga rider at angkas ng bisikleta, skateboard, roller skates, at iba pa, habang bumabyahe sa kalye na saklaw ng lungsod.

Ginarantiyahan ni Mayor Abigail Binay ang naturang ordinansa alinsunod sa kanyang pangakong gawing “child-friendly” ang lungsod sa kahit anong paraan.

“We often see small children riding on bicycles without helmets, youngsters riding on skateboards, roller skates, and the like without helmets. This dangerous practice must stop,” babala ni Mayor Binay.

National

Atom Araullo, panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine Badoy at Jeffrey Celiz

Nanawagan din siya sa mga magulang at mga lider ng barangay na makipagtulunngansa pagtataguyod ng kaugaliang ‘safety first’ upang maprotektahan ang Makatizens mula sa peligro, lalo na habang naglalakbay sa mga abalang kalye sa lungsod.

May kaukulang parusa ang mga lalabag sa ordinansa: P1,000 para sa unang paglabag; P2,000 sa pangalawang paglabag; at P3,000 o pagkakakulong ng hanggang anim na buwan, o parehas batay sa kautusan ng korte, sa ikatlong beses ng paglabag.

Nakatakdang maglabas ang Law Department, Liga ng mga Barangay at Public Safety Department ng guidelines ng nasabing ordinansa. Sa oras na maipatupad ng lubos, magsasagawa ang nasabing mga ahensya ng information drive sa mag motorist at mga residente upang masiguro na epektibo ang implementasyon.

Itinakda rin sa ordinansa na isa lamang ang maaaring iangkas sa bisikleta, at sa mga sumusunod na kondisyon: a) Kailangan may suot na helmet ang bata; at 2) Kayang abutin ng braso ng bata ang manibela ng bisikleta, at dapat ay nakahawak ito sa driver habang bumabyahe.

Para sa mga pedicab o bisikleta na may side cars, hanggang tatlong bata lamang ang papayagang isakay sa pedicab ngunit isa lamang sa side-car.

Gayundin, ipinagbabawal din sa ordinansa ang pagbibisikleta ng mga bata na mag-isa, maliban nalang kung masusunod ang mga sumusunod na kondisyon: a) Kayang abutin ng bata ang lupa habang sakay sa bisikleta; b) Kayang abutin ng bata ang manibela ng bisikleta at makakahawak habang nagbibisikleta; at c) Naksuot ng helmet ang bata.

Aarstuhin ang mga batang mamamataang nagbibisilekta mag-isa at hindi sumusunod sa patakaran at isasailalim sa kustodiya ng Punong Barangay, ng kanyang awtorisadong kinatawan o lisensyadong social worker. Ibabalik lamang ang mga bata sa kanilang mga magulang o tagapag-alaga kung makakapagpakita ng mga dokumentong magpapatunay na kaanak sila ng bata. Makaraan nito, kailangang lumagda ng magulang o tagapag-alaga sa kasunduang na pagsailalim sa madaliang counselling at pagdalo sa Parent Effectiveness Seminar. - Anna Liza Villas-Alavaren