IPINAGMALAKI ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayeano ang “debut” ng Pilipinas sa pandaigdigang larangan bilang isa sa pinakamalalaking tagumpay ng kagawaran noong 2017.
“Suddenly, the Philippines is not just the president or the country in the room but we’re relevant, we’re being listened to,” sabi ni Cayetano.
Sa loob ng 12 buwan, nasaksihan ng taong 2017 ang pamumuno ng Pilipinas sa serye ng mahahalagang pulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Nasubaybayan din dito kung paanong nakipagtalakayan si Pangulong Rodrigo Duterte sa ating mga katuwang sa dayalogo, sa parehong tradisyunal at hindi tradisyunal na paraan, sa pamamagitan ng pawang matatagumpay na pagbisita sa bansa ng iba’t ibang lider sa mundo.
Ayon kay Cayetano, umiiral na ang dating layunin lamang na baguhin at pag-ibayuhin ang polisiyang panlabas upang “muling mabalanse” ang mga ugnayan ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa.
Mapatutunayan ito sa matatagumpay nating pakikipagtulungan sa mga tradisyunal nating kaalyado, ang Amerika at Japan, at sa mga bagong kaalyadong China at Russia.
“Our ’friends to all, enemy to none’ has produced results in economy, in investments, in tourism and other sectors,” sinabi ni Cayetano.
Sa kanyang panig, sinabi naman ng bagong talagang si Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella na ang Pilipinas ay “being listened to, now”.
“Apparently the opinion of the Philippines matters now, we’re finding our place in the table, for example, our leadership in ASEAN was very distinct,” sinabi ni Abella sa isang panayam kamakailan.
“The government upped its game, it’s no reflection upon the past necessarily but definitely in terms of performance, it has improved,” ani Abella.
“The fact that US President Donald Trump recognized the Philippines as prime piece of real estate, it’s something to that effect,” dagdag pa ng dating tagapagsalita ng Pangulo. “Largely we’re not being ignored, in other words we’re being recognized as participants in the economic scene.” - PNA